August 06, 2012
Magiging inactive nanaman ako ng mga ilang araw. Huhu. <//3 Malapit na malapit na talaga ang Examinations namin. Buti na lang rin at tapos nako sa mga reviewers. Isang subject na lang ang kulang ko. Pag dasal niyo ako guys, sana maka-sagot ako sa lahat ng questions don. :)
- Comp., nag hands-on exam na kami. Medyo madali lang naman, sana ganon na lang rin kadali kapag written examination na. :\ Madali lang naman natapos yung hands-on. Kaya biglang pumasok si Ma’am Honeylor at pina-take kami ng long test sa TLE. Graaabe! Ayan talaga surprise na surprise kse sabi niya bukas pa daw. Sa Tuesday pa, nagulat kami dahil nag bigay na siya kanina. Buti na lang talaga ang dali lang! Thank God. HAHA.
- CL, nagkaroon lang ng recitation. Hindi pa ako natatawag. Okay.
- Recess.
- Eng., nag present lang ng Project namin. Song composition rin, last 2 groups na mag ppresent bukas at kasama kami don. Nakasira pa ako ng school property. Dafuq. Nasira ko yung sandalan ng armchair ko. <//3 Mag babayad pa tuloy ako. Tengene, mga accidents nga naman oh, hindi maiiwasan.
- Trigo., nag long test kami rito. Buti rin at naka-sagot ako. Sana lang onti lang ang mali ko. HAHAHA. Buti na lang ang bait ni Sir kse hanggang before dismissal yung last submission niya para sa Long Test. Kse talagang kinulang kami sa oras para mag solve. Ang hirap pa man din. Bukas pa malalaman results.
- Fili., at dahil nga sa madugong long test sa Trigo. hindi ako nakapag review sa Fili. eh may long test rin kami. Ayon, naka-on wifi kaming lahat. =))) Buti na lang talaga may mga nasagot rin ako.
- Lunch.
- Chem., nag long test nanaman kami. Buti na lang rin medyo madali yung exam sa Chem. ewan ko lang sa Wednesday. :|
- Social, nagpa-long test nanaman si Ma’am. I know, 5 straight na long test yon. Okay lang naman samin, kse nare-review rin kami para nga sa exams. Lalo naman sa Social. 4 times na kaming nag lo-long test.
- Dismissal.
Hindi rin ako gumala kse umuulan. HAHA. And hindi narin pwede muna mag gala this week dahil kailangang mag aral. Buti na lang at medyo madali-dali pa ang first day of exams: Math, Computer and TLE. Okay, mag sstart ng mag aral.
